Goodbye – Paalam

SA AKING MAHAL

 

Sa aking mahal, kung ako’ iyong iiwan,

Sana’y huwag kalimutan na hindi ito tuluyan.

Sa pagmulat ng ating pag-ibig, ako’y iyong sinabihan,

Hanggang sa walang hanggan, tayo ay magmamahalan.

Kung kaya’t mahal kung ako’y iyong iiwan,

Huwag sanang isiping hindi ako masasaktan.

Sa bawat hakbang, lugar na dadatnan,

Muli kong iisipin bakit ako nilubayan.

Huwag magalala o aking sinta.

Sa dakong malayo, iyong mapupuna.

Ako’y magiging masaya at maligaya,

Kahit na sa tabi mo, ako’y wala na.

Hindi ito babala, o kaya ay panunukso,

Sadyang hindi ko kakayaning mabuhay sa isang anino.

Sa mundong pinuno ko ng pangako at ng pangarap.

Ngunit sa isang iglap, ito’y hindi na maabot, tila mga ulap.

Ang aking hiling lamang, o aking mahal,

Ako’y di makalimutan kahit sa panahon na kay tagal.

Dahil kahit tayo’y magkalayo, hindi na muling magkita,

Ating dadalhin, masalimoot at masayang ala-ala.

 

This is my work, so copyright (2012), intellectual property, ownership, all mine.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s